Ipinagdiinan Biyernes, Nobyembre 25, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na batay sa mapagkaibigang damdamin, ginawa ng panig Tsino ang maayos na arrangement tungkol sa pangingisda ng mga maingingisdang Pinoy sa nakapaligid na karagatan sa Huangyan Island. Ngunit, hindi aniya nagbabago ang soberanya at karapatan ng pangangsiwa ng Tsina sa nasabing isla.
Ani Geng, bunga ng biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina, komprehensibong bumubuti ang relasyong Sino-Pilipino. Narating ng dalawang panig ang komong palagay na dapat lutasin ang isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng