Idinaos nitong Martes, Nobyembre 29, 2016, ng UN ang pulong ng paggunita sa "International Day of Solidarity with the Palestinian People." Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa pulong.
Sa mensahe, ipinahayag ni Pangulong Xi na ang isyu ng Palestina ay nukleo ng isyu ng Gitnang Silangan, at ito rin ay pinag-uugatan ng kapayapaan ng Gitnang Silangan. Dapat aniyang panatilihin hangga't makakaya ng Palestina at Israel ang pinakamalaking pagtitimpi upang maiwasan ang ibayo pang paglala ng maigting na situwasyon. Winiwelkam at kinakatigan ng panig Tsino ang lahat ng pagsisikap na nakakatulong sa pagpapahupa ng situwasyon ng Palestina at Israel at pagsasakatuparan ng "Plano ng Dalawang Estado" sa pinakamadaling panahon, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng