Sa preskong idinaos ngayong araw, Marso 8, 2016, ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na sa mga suliranin ng Gitnang Silangan, puspusang pinapayuhan at pinasusulong ng Tsina ang mga may-kinalamang panig sa pagsasagawa ng talastasan sa obdiyektibo at pantay na atityud. Aniya, pawang winiwelkam at inaasahan ng iba't-ibang bansa sa Gitnang Silangan ang pagpapatingkad ng Tsina ng mas malaking papel sa naturang rehiyon.
Sinabi ni Wang na palagiang kinakatigan ng Tsina ang pagsasarili at liberasyon ng nasyon ng mga bansang Arabe. Aniya, nagiging mas mahigpit ang ugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa rehiyong ito. Aktibo ring nagsisikap ang Tsina para sa pagpapanumbalik ng kapayapaan at katatagan sa Gitnang Silangan, dagdag pa niya.
Aniya pa, noong unang dako ng kasalukuyang taon, isinagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang matagumpay na biyaheng historikal sa Saudi Arabia, Ehipto, at Iran. Ito aniya ay nagpasimula ng bagong yugto ng relasyon ng Tsina at Gitnang Silangan.
Salin: Li Feng