Mula ika-24 hanggang ika-25 ng Enero 2016, dumalaw sa Palestina ang delegasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na pinamumunuan ni Ning Jizhe, Pangalawang Ministro ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina.
Noong hapon ng ika-24 ng Enero, nakipagtagpo sa naturang delegasyon si Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina. Binati ni Abbas ang matagumpay na pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa tatlong bansa ng Gitnang Silangan. Binigyan niya ng mataas na pagtasa ang "Belt and Road" Initiative. Sinabi niyang nakahanda ang panig Palestino na patuloy na pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at Palestina.
Inilahad naman ni Ning ang paninindigan at simulain ng Tsina sa isyu ng Palestina. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na pahigpitin ang pakikipaglagayan sa panig Palestino sa iba't ibang antas, at patibayin ang tradisyon na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Salin: Vera