|
||||||||
|
||
Pinagtibay nitong Miyerkules, Nobyembre 30, 2016, ng United Nations (UN) Security Council ang bagong resolusyon tungkol sa Hilagang Korea kung saan matinding kinondena ang isinagawa nitong nuclear test noong Setyembre 9, at hiniling sa nasabing bansa na itakwil ang plano ng sandatang nuklear at missile. Ipinasiya rin nitong isagawa ang bagong round ng sangsyon laban sa Hilagang Korea.
Winiwelkam ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang pagpasa ng nasabing resolusyon. Hinimok din niya ang Hilagang Korea na agarang makilahok sa proseso ng walang-nuklear na Korean Peninsula. Aniya pa, ang sangsyon ay hindi pinal na paraan, at dapat palagiang igiit ang paglutas sa isyung nuklear sa pamamagitan ng pagsasangguniang pulitikal.
Ayon sa nasabing resolusyon, babawasan ng halos 1/4 ang kalakalang panlabas ng Hilagang Korea. Babawasan ng 60% ng resolusyong ito ang carbon income ng naturang bansa. Ipagbabawal din ng resolusyon ang pagluluwas ng Hilagang Korea ng copper, nickel, silver, at zinc.
Sa kanyang talumpati pagkaraan ng botohan, sinabi ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na sa kabila ng pagtutol ng komunidad ng daigdig, lantarang isinagawa ng Hilagang Korea ang nuclear test. Matinding tinututulan ito ng panig Tsino. Samantala, nanawagan siya sa iba't-ibang kaukulang panig na magtimpi at panumbalikin ang diyalogo at talastasan, at panumbalikin ang Six-Party Talks sa pinakamadaling panahon.
Noong Setyembre 9, 2016, isinagawa ng Hilagang Korea ang nuclear test. Napag-alamang ito ang ika-5 nuclear test na isinagawa ng nasabing bansa sapul noong 2006.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |