Ipinahayag kahapon, Oktubre 20, 2016, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na pinag-uukulan na ng pansin ng Tsina ang mga ulat kamakailan hinggil sa subok-puntirya ng missile ng Hilagang Korea. Umaasa aniya ang Tsina na magtitimpi ang iba't ibang panig hinggil sa isyung ito.
Sinabi ni Hua na mayroong maliwanag na resolusyon ang United Nations Security Council hinggil sa paglulunsad ng ballistic missile ng Hilagang Korea. Umaasa aniya siyang magtitimpi ang iba't ibang panig, at iiwasan ang mga hakbangin na magpapasidhi ng tensyon ng rehiyon.
salin:wle