Napag-alamang pagtitibayin ng UN Security Council (UNSC) ang isang bagong resolusyon tungkol sa sangsyon laban sa Hilagang Korea. Babawasan ng 60% ng resolusyong ito ang carbon income ng naturang bansa. Ipagbabawal din ng resolusyon ang pagluluwas ng Hilagang Korea ng copper, nickel, silver, at zinc.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Nobyembre 29, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dahil hindi pa napagtibay ang panukalang resolusyon, hindi siya magbibigay ng anumang komento. Inulit din niya na kinakatigan ng panig Tsino ang pagsasagawa ng UNSC ng ibayong reaksyon tungkol sa ika-5 nuclear test ng Hilagang Korea.
Salin: Li Feng