Sa kanyang paglahok sa isang diyalogo na inihandog ng International Enterprise Singapore (IE Singapore), ipinahayag ni Aung San Su Kyi, State Counsellor ng Myanmar, na ang pambansang kompromiso at kapayapaan ay napakahalaga sa Myanmar, kung matutupad ang mga ito, puwedeng umunlad ang bansa.
Sinabi ni Aung San Suu Kyi na mahigpit ang relasyon ng kapayapaan at kaunlaran, partikular na, para sa kasalukuyang Myanmar. Isinalasaysay pa ni Ang San Suu Kyi ang patakarang ekonomiko at ang napakaimportanteng, bagong batas ng pamumuhunan ng bagong pamahalaan ng Myanmar.
Sa imbitasyon ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, mula ika-30 ng Nobyembre hanggang ika-2 ng Disyembre, isinagawa ni Aung San Suu Kyi ang opisyal na pagbisita sa Singapore.