Ayon sa ulat kahapon, Lunes, ika-28 ng Nobyembre 2016, ng panig opisyal ng Myanmar, unti-unti nang napapanumbalik ang border trade sa hilagang bahagi ng bansang ito, na suspendido dahil sa nagaganap na armadong sagupaan.
Ayon sa ulat, sa isang trade zone sa Muse Town sa hilagang Myanmar, napanumbalik na ang takbo ng 3 sa 6 na tanggapan ng adwana, buwis, at iba pa. Parami rin nang parami ang mga sasakyang pumapasok at lumalabas ng trade zone. 150 hanggang 200 negosyante ang bumibisita araw-araw sa trade zone. Bumalik na rin dito ang ilang daang manggagawa, pati ang mga pulis, para magkaloob ng serbisyong panseguridad.
Salin: Liu Kai