Ipinahayag Nobyembre 30, 2016, sa Beijing ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na nakatakdang idaos ng Tsina at Kambodya ang magkasanib na ensayong militar sa pagbibigay ng makataong tulong at pagbabawas ng kapahamakan, sa Phnom Penh, kabisera ng Kambodya, mula Desyembre 11-26, 2016.
Ani Yang, ito ay para palalimin ang pragmatikong pagtutulungan ng mga hukbo ng Tsina at Kambodya, na kinabibilangan ng pagbibigay ng makataong tulong at pagbabawas ng kapahamakan. Aniya, 97 sundalong Tsino at 280 sundalong Kambodyano ang sasapi sa nasabing pagsasanay.