Ipinadala nitong Huwebes, Disyembre 1, 2016, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Maha Vajiralongkorn bilang pagbati sa kanyang pag-akyat sa trono.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Xi na ang Tsina at Thailand ay matalik at mapagkaibigang kapitbansa, at walang humpay na lumalalim ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Aniya, pinahahalagahan ng Thai Royal Family ang pag-unlad ng relasyong Sino-Thai sa mahabang panahon, at nakakapagbigay ng di-mahahalinhang mahalagang papel sa usaping pangkaibigan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ng bagong haring Thai, upang mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Salin: Li Feng