Isinapubliko kamakailan ng Bangko Sentral ng Biyetnam ang patakaran ng pananalapi at mga pamamatnubay sa pagmomonitor at pangangasiwa sa industriya ng bangko sa taong 2017.
Ayon rito, isasagawa ng Biyetnam ang maluwag at proaktibong patakaran ng pananalapi para patatagin ang foreign exchange rate at market interest rate ng bansang ito.
Bukod dito, isasagawa ng Biyetnam ang ibang mga hakbangin ng macro-kontrol para kontrolin ang inflation at patatagin ang pag-unlad ng pambansang kabuhayan sa isang makatwirang antas.