Pinakinggan noong Martes, November 22, 2016 ng Pambansang Asemblea ng Biyetnam ang ulat ni Phan Xuan Dung, Direktor ng Committee ng Science, Technology and Environment at pinagtibayin ang resolusyon hinggil sa pagtigil ng konstruksyon ng nuclear power plant sa Ninh Thuan.
Binigyan-diin ni Mai Tien Dung, Direktor ng General Office ng pamahalaan na ang dahilan ng pagtigil ng nasabing proyekto ay kasalukuyang kondisyong pangkabuhayan ng bansa sa halip ng problemang teknikal. Aniya, malaking umunlad ang kabuhayan ng Biyetnam at tinatayang magiging mas madalas ang electric power trade nito sa mga kapitbansa. Bukod dito, kinakailangan aniya pa ng Biyetnam ang malaking pondo para mapaunlad ang mga modernong imprastruktura na makakapagsigla sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng bansa.
Ang nasabing proyekto ay sa ilalim ng pagtutulungan ng Hapon at Rusya. Nagpahayag ang dalawang bansa ng kalungkutan tungkol dito.
Salin: Andrea