Dumalo Disyembre 6, 2016 si Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia sa seremonya ng pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Iskandar Development Region.
Ipinahayag ni Najib na nananatiling maalwan ang pakikipagtulungan ng Malaysia sa Singapore sa high speed railway. Umaasa aniya siyang lalagdaan ng dalawang panig ang ilang kongretong kasunduan sa pagtatatag ng high speed railway sa susunod na linggo, pagkaraang pormal na pahintulutan ni Pangulong Tony Tan Keng Yan ng Singapore.
Nilagdaan noong Hulyo 19, 2016 ng Malaysia at Singapore ang Memorandum of Understanding sa proyekto ng nasabing daambakal. Ipinahayag ng dalawang panig na magsisikap para lagdaan ang opisyal na kasunduan, bago katapusan ng kasalukuyang taon.