Sinimulan, kahapon, Martes, ika-22 ng Nobyembre 2016, sa Paya Indah, State of Selangor, Malaysia, ang magkasanib na pagsasanay militar ng Tsina at Malaysia hinggil sa magkasamang operasyon ng makataong tulong. "Peace Friendship 2016" ay ang code name ng pagsasanay na ito.
Kalahok sa pagsasanay ang 195 sundalo ng People's Liberation Army ng Tsina, at 410 sundalo ng Malaysian Armed Forces. Sasaksihan din ito ng mga tagamasid mula sa Royal Thai Armed Forces.
Lumahok sa seremonya ng pagsisimula ng pagsasanay sina Fang Fenghui, Puno ng Joint Staff Department ng Central Military Commission ng Tsina, at Zulkifeli Mohd Zin, Puno ng Malaysian Armed Forces. Kapwa nilang ipinahayag ang pag-asang, sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, palalawakin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga tropa ng Tsina at Malaysia, at palalakasin ang kanilang kakayahan sa magkasamang pagharap sa mga hamon, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai