Dalawang insidente ng pambobomba ang naganap kagabi, Disyembre 10, 2016 sa Istanbul ng Turkey na nagresulta sa pagkasawi ng 29 na katao, at pagkasugat ng 166 na iba pa.
Ang naturang dalawang pambobomba ay naganap sa paligid ng isang stadium, isa at kalahatang oras matapos ang isang football match. Ang isa sa naturang pambobomba ay nakatuon sa kotse ng mga riot police at ang isa pa ay suicide bombing attack na nakatuon sa mga football fans.
Sinabi ni Suleyman Soylu, Ministro ng mga Suliraning Panloob ng bansang ito, na 27 pulis at 2 sibilyan ang nasawi sa pambobomba. Dagdag pa niya, naaresto na ng panig pulisya ang 10 suspek sa insidenteng ito.
Ayon sa ulat ng Konsulada Heneral ng Tsina, wala pang naiulat na kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian ng mga sibilyang Tsino.