Sinabi nitong Sabado, Hulyo 16, 2016, ni Umit Dundar, umaaktong Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng sandatahang lakas ng Turkey, na 194 na katao ang nasawi sa kudetang militar na naganap noong gabi ng Hulyo 15 sa bansang ito.
Ayon sa kanya, ang naturang mga nasawi ay kinabibilangan ng 41 pulis, 49 na sibilyan at 104 kalahok sa kudeta.
Ipinahayag ni Recep Tayyip Erdoğan, Pangulo ng Turkey, na aalisin niya ang lahat ng mga elementang lumahok sa kudeta para panalitihin ang katatagan at pagkakaisa ng hukbo ng bansang ito.
Pagkatapos ng kudeta, ipinahayag ng pamahalaan ng Turkey na ang nasabing pangyayari ay kagagawan ni Fethullah Gulen, desperadong Turk sa Amerika. Hiniling din ng pamahalaan ng Turkey sa Amerika na ibalik siya sa Turkey.
Kaugnay nito, ipinahayag ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, na dapat ibigay muna ng Turkey ang mga may kinalamang ebidensya. Inulit ni Pangulong Barack Obama na patuloy na kakatigan ng Amerika ang kasalukuyang pamahalaan ng Turkey. Umaasa aniya siyang patuloy na magtutulungan ang dalawang banbsa para harapin ang mga komong hamon.