Sinimulan ngayong araw, Disyembre 11, 2016 sa Phnom Penh ng Cambodia ang pagtatanghal ng mga magandang pelikula ng Tsina at Cambodia.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Khim Sarith, Kalihim ng Kultura at Sining ng Cambodia, na ang mga pelikulang Tsino ay nagsisilbing magandang paraan para ipakilala ang kulturang Tsino sa mga mamamayang Cambodian.
Ipinahayag naman ni An Xiaoyu, Direktor ng Southeast Asia Broadcasting Centre ng China Radio International (CRI), na ang nasabing pagtatanghal ay magpapalalim ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ang nasabing pagtatanghal ay magkasamang itinaguyod ng Embahadang Tsino sa Cambodia, Cambodia China Friendship Radio (CCFR) ng CRI, Ministri ng Kultura at Sining ng Cambodia, at Union of Youth Federation of Cambodia.
Bukod sa Phnom Penh, ang aktibidad na ito ay idaraos din sa mga lalawigan ng Cambodia na gaya ng Kampong Cham, Kampong Thom, Siem Reap, Banteay Meanchey, Battambang, Pursat, at Kampong Chhnang, mula ika-11 ng Disyembre ng taong 2016 hanggang ika-4 ng Enero ng taong 2017.