Idinaos nitong Miyerkules, Agosto 17, 2016, sa National TV Station ng Cambodia ang taunang paligsahan ng wikang Tsino para sa mga tour guide ng bansang ito.
Ang paligsahang ito ay magkasamang itinaguyod ng Ministri ng Turismo ng Cambodia at Embahadang Tsino sa bansang ito. Dumalo sa paligsahang ito ang 10 Cambodian na nakapasa sa preliminary contest na idinaos sa Phnom Penh at Siem Reap.
Ayon sa datos ng Ministri ng Turismo ng bansang ito, ang Tsina ay naging ikalawang pinakamalaking bansang pinagmumulan ng mga turista sa Cambodia.
Bukod dito, binabalak ng Cambodia na gamitin ang mga hakbangin para hikayatin ang 2 milyong person-time turistang Tsino bawat taon simula taong 2020.