|
||||||||
|
||
Noong Nobyembre 21, 2016, ay unang anibersaryo ng matagumpay na paglulunsad ng LaoSat-1, unang communication satellite ng Laos, sa Xichang Satellite Launch Center, Tsina. Sa ilalim ng kooperasyong Sino-Lao, nakakapagbigay ang nasabing satellite ng napakalaking benepisyo sa mga mamamayang Lao, at kasalukuyang binabago ang porma ng kanilang pamumuhay.
satellite monitor and control center
Sinabi ni Xayluxa Insisiengmay, Puno ng Telecommunication Department ng Ministry of Posts and Telecommunications ng Laos, na nananalig siyang sa malapit na hinaharap, ang signal ng LaoSat-1 ay makakasaklaw sa buong bansa. Aniya, ang satellite telecommunication at broadband services ay makakatulong nang malaki, sa distance education, distance medicine, disaster relief work, at government telecommunication. Walang humpay na palalawakin ng Laos ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa aspekto ng satellite services, dahil maibibigay nito ang napakalaking benepisyo sa Laos, dagdag pa niya.
satellite antenna
Sakay ng Long March 3B rocket, inilunsad noong Nobyembre 21, 2015, ang LaoSat-1 sa Xichang Satellite Launch Center. Noong Pebrero, 2016, naitatag ng Laos at China Asia-Pacific Mobile Telecommunications Satellite Co., Ltd. (China APMT) angLao Asia-Pacific Satellite Company na namamahala sa pangangasiwa at operasyong komersyal ng LaoSat-1.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |