|
||||||||
|
||
Vientiane — Sa magkasamang pagtataguyod ng Ministry of Posts at Telecommunications ng Laos at Huawei Technologies Co., Ltd., maringal na idinaos nitong Miyerkules, Nobyembre 30, 2016, ang unang Laos Broadband Forum. Magkasanib na ipinalabas sa porum ng dalawang panig ang "White Paper hinggil sa Sampung Taong Plano ng ICT ng Laos," bagay na nagkaloob ng aktuwal na mungkahi para sa konstruksyon ng imprastruktura ng Information and Communication Technology (ICT) ng Laos.
Ipinalabas ang "White Paper hinggil sa Sampung Taong Plano ng ICT ng Laos"
Dumalo sa porum sina Thansamay Kommasith, Minister of Posts at Telecommunications ng Laos, Wang Qihui, Economic at Commercial Counsellor ng Embahadang Tsino sa Laos, Le Yuzhi, Pangalawang Presidente ng Huawei Company sa Timog Silangang Asya, at mga kaukulang personaheng Tsino at Lao.
Nagtalumpati sa porum si Thansamay Kommasith, Minister of Posts at Telecommunications ng Laos
Ipinahayag ni Thansamay Kommasith na ang layon ng nasabing porum ay pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng Laos at igarantiya ang paggamit ng mga mamamayan nito ng mabilis, mabisa, at ligtas na internet technology. Samantala, nagsisikap aniya ang kanyang bansa para maging mahalagang puwersang tagapagpasulong ng konstruksyon ng kabuhayang panlipunan ang pag-unlad ng impormasyon, tele-komunikasyon, at teknolohiya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |