Idinaos kamakailan ng Tsina at Biyetnam ang sesyong plenaryo ng delegasyong kalahok sa border talks sa antas ng pamahalaan. Kaugnay nito, ipinahayag nitong Martes, Disyembre 13, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na pinapurihan ng dalawang panig ang ibinibigay na mahalagang papel ng nasabing talastasan sa mga aspektong tulad ng maayos na paghawak at pagkontrol sa pagkakaiba, pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon, at pagpapasulong ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Aniya, ibayo pang palalakasin ng dalawang panig ang kanilang pagsasanggunian at kooperasyon, at matatag na pasusulungin ang iba't-ibang gawain tungkol sa border talks.
Salin: Li Feng