|
||||||||
|
||
Nanning, rehiyong awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Idinaos nitong Huwebes, Disyembre 8, 2016, ang unang Pulong ng Police Law Enforcement Cooperation ng limang (5) probinsya (rehiyon) sa purok-hanggahang Sino-Biyetnames. Dumalo rito ang mga kinatawan mula sa Guangxi ng Tsina, at mga lugar ng Biyetnam para talakayin ang tungkol sa kanilang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas sa mga aspektong gaya ng seguridad na pulitikal, paglaban sa terorismo, at pakikibaka laban sa droga.
Iminungkahi ni Hu Zhuo, puno ng delegasyong Tsino at Puno ng Departamento ng Pampublikong Seguridad ng Guangxi, na dapat ibayo pang palalimin ang kooperasyong Sino-Biyetnames sa mga aspektong tulad ng police law enforcement, pagbibigay-dagok sa terorismo, at konstruksyon ng kakayahan ng pagpapatupad ng batas, partikular na ang kooperasyon ng dalawang panig sa mga larangang kinabibilangan ng pangangalaga sa pambansang seguridad, cyber security, katatagang panlipunan, at iba pa.
Napag-alamang nagkasundo ang dalawang bansa sa pagpapataas ng lebel ng police law enforcement cooperation, pagpapalawak ng larangang pangkooperasyon, at pagpapabuti ng mekanismong pangkooperasyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |