Lima — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Sabado, Nobyembre 19, 2016 (local time), kay Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat isakatuparan nang mainam ng dalawang bansa ang mga narating na komong palagay ng mga lider upang mapasulong ang sustenable, malusog, at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames at makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Aniya, sa bagong kalagayan, dapat panatilihin ng dalawang panig ang pagpapalagayan sa mataas na antas para magkaroon ng agarang pagkokoordinahan tungkol sa bilateral na relasyon at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.
Dagdag pa ni Pangulong Xi, dapat lutasin ng dalawang bansa ang kanilang pagkakaiba sa pamamagitan ng bilateral na pagsasanggunian at diyalogo para maayos na hawakan ang mga kaukulang isyu at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Ipinahayag naman ng Pangulong Biyetnames ang kahandaan ng kanyang bansa na panatilihin ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa partido at pamahalaang Tsino. Magsisikap aniya ang Biyetnam, kasama ng Tsina, para ibayo pang mapasulong ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng