Nilagdaan Martes, Disyembre 13, 2016 sa Kuala Lumpur ng mga pamahalaan ng Malaysia at Singapore ang bilateral na kasunduan para pormal na simulan ang pagtukoy sa partner na magsasagawa ng mga espesipikong gawain hinggil sa proyekto ng high speed railway sa pagitan ng Kuala Lumpur ng Malaysia at Singapore.
Inulit ng dalawang bansa ang pangako na maisasaoperasyon ang nasabing daambakal sa taong 2026.
Dumalo sa seremonya ng paglagda sina Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia at kanyang counterpart na si Lee Hsien Loong ng Singapore.
Ayon sa nasabing kasunduan, tiniyak ng dalawang bansa ang Joint Development Partner sa proyektong ito sa unang dako ng taong 2017.