Sa paanyaya ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, mula ika-30 ng Nobyembre hanggang ika-2 ng Disyembre, 2016, opisyal na dumadalaw sa Singapore si Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ni Aung San Suu Kyi sa Singapore, sapul nang manungkulan siya bilang State Counsellor.
Sa panahon ng nasabing pagdalaw, ipinatalastas ng panig Singaporean na sisimulan ang talastasan kasama ang Myanmar hinggil sa kasunduan sa bilateral na pamumuhunan. Ipinalalagay ni Lee na nagpapakita ito ng kompiyansa ng kanyang bansa sa pangmatagalang katatagan ng Myanmar. Bukod dito, isasagawa rin ng dalawang bansa ang bagong kooperasyon sa larangan ng transportasyong pampubliko at enerhiya.
Salin: Vera