Ipinatalastas Martes, Disyembre 13, 2016, ni Donald Trump, bagong halal na pangulo ng Amerika na pinili niya si Rex Tillerson bilang Kalihim ng Estado ng kanyang bagong pamahalaan.
Si Rex Tillerson, 64 taon gulang ay nagtrabaho sa ExxonMobil nang 41 taon. Hinirang siya bilang CEO ng ExxonMobil mula noong 2006. Ayon sa media ng Amerikano, si Tillerson ay walang pormal na karanasan sa diplomasiya, pero, madalas siyang nakikipagpapalitan sa mga lider ng iba't ibang bansa ng daigdig.
Sinabi ni Trump na mahusay si Tillerson sa pagpapatakbo ng isang korporasyong transnasyonal, at ang karanasang ito ay mahalaga para sa pangangasiwa ng Kagawaran ng Estado ng Amerika. Pinuri ni Trump ang kanyang tenasidad, malawak na karanasan at malalim na pang-unawa sa heopolitika.
salin:Lele