Idnaos Miyerkules, Disyembre 7, 2016, sa Washington D.C. ang ika-3 High-Level Joint Dialogue on Cybercrime and Related Issues ng Tsina at Amerika.
Magkasamang nangulo sa diyalogong ito sina Guo Shengkun, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina at Loretta E. Lynch, Attorney General ng Amerika, at Jeh Johnson, Secretary of Homeland Security.
Narating ng dalawang panig ang mga nagkakaisang posisyon hinggil sa paglaban sa cybercrime at terorismo sa internet, kooperasyon sa cybersecurity, pagpapabuti ng mekanismo ng hotline, at pagbabahaginan ng impormasyon.