Ipinahayag Disyembre 5 ng gabi, 2016 nina Herry Kissinger at Madeleine Korbel Albright, dalawang dating Kalihim ng Estado ng Amerika, na ang mahigpit na relasyong Sino-Amerikano ay nagsisilbing batayan ng pag-unlad ng kanyang bansa, at optimistiko sila sa naturang relasyon sa hinaharap.
Winika ito ng nasabing dalawang Kalihim ng Estado sa isang pagtitipong may-tawag na "Leadership Dialogue: State Secretary Forum" na inihandog sa New York, Amerika.
Ipinahayag ni Kissinger na dapat manatiling mahigpit ang relasyong diplomatiko sa pagitan ng Tsina at Amerika. Ito aniya'y may-kinalaman sa pagsasakatuparan ng kapayapaan at kaunlaran ng daigdig. Aniya, sa susunod na 20 taon sa hinaharap, makikita ang walang katulad na matatag, masulog, at masiglang relasyong Sino-Amerikano sa daigdig. Ikasisiyahan aniya ng dalawang bansa ang tagumpay ng ganitong pagtutulungan.
Ipinahayag ni Albright na nananatiling mahigpit ang pagpapalitan ng mga nagdaang pamahalaang Tsino at Amerikano. Aniya, naitatag na ang regular na konstruktibong modelong pandiyalogo ng dalawang panig. Dapat aniya ipagpatuloy ng pamahalaang Amerikano ni Donald Trump ang nasabing modelo, para sa ibayong pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano.
Positibo rin sina Kissinger at Albright sa isinasagawang pagtutulungan ng Tsina at Amerika sa larangan ng pagbago ng klima ng mundo, pagbibigay-dagok sa terorismo, diyalogo sa estratehiya at kabuhayan ng Tsina at Amerika, at iba pa.