|
||||||||
|
||
Senador de Lima, naglabas ng kanyang pagsusuri
INILABAS na ni Senador Leila de Lima ang kanyang ginawang ulat hinggil sa pagkakaroon ng programa sa extra-judicial killings na nagmumula sa pamahalaan. Pinawawalang-saysay nito ang findings ng komite ni Senador Richard Gordon na nagsabing walang mga paglabag sa batas sa mga napapaslang.
Ang kinikilalang dissenting report ay nag-aalok ng kakaibang pananaw sa mga inilabas na datos at mga pahayag ayon sa mga batas at alituntunin. Napapaloob ang kanyang pahayag sa ulat na may 151 pahina.
Dating pinuno si de Lima ng Senate Committee on Justice and Human Rights na nagsisiyasat sa serye ng mga pagpatay ng may kinalaman sa pakikidigma ng Duterte administration sa mga sindikato ng droga.
Ayon sa pinakahuling datos ng pulisya noong nakalipas na linggo ay umabot na sa 5,882 katao ang napapaslang sa buong bansa mula ng ilunsad ng Pangulong Duterte ang kanyang kampanya laban sa illegal drugs.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |