|
||||||||
|
||
Pagpapasabog sa isang simbahan sa Cairo, kinondena ng Pilipinas
KINONDENA ng Pilipinas ang pananalakay ng mga terorista sa isang simbahan sa Cairo, Egypt na ikinasawi ng 25 kaatao at ikinasugat ng maraming iba pa. Hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang malalagim na gawain sa mga pook dalanginan.
Sa isang pahayag ng Department of Foreign Affairs Institute of Public Diplomacy, tinuligsa rin ng Pilipinas ang pananalakay sa isang security checkpoint sa Giza na ikinasawi ng anim na tauhan ng pulisya. Nakikiisa ang Pilipinas sa Egipto at sa pandaigdigang komunidad laban sa terorismo sa lahat ng uri nito.
Nakikiisa ang mga Filipino sa Egipto sa pagbawi nito mula sa mga walang katuturang trahedya at umaasang madarakip at mapananagot ang mga may kagagawan sa pinakamadaling panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |