Ipinahayag Sabado, Disyembre 17, 2016 sa Beijing ni Zhu Guangyao, Pangalawang Ministro ng Pananalapi ng Tsina, na ang komprehensibong kooperasyon ay tama at tanging pagpili para sa malusog na pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan ng Tsina at Amerika.
Sinabi ni Zhu na mahalaga ang epekto ng relasyong pangkabuhayan ng Tsina at Amerika sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Kaugnay ng pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa, sinabi ni Zhu na dapag igiit ng dalawang bansa ang prinsipyo ng di-pagsasagupaan, di-komprontasyon, paggalang sa isa't isa at win-win situation, pahigpitin ang pag-uugnayan sa patakaran at isagawa ang pagsasanggunian sa ilalim ng mga multilateral na mekanismo para maayos na lutasin ang mga hidwaan.