BEIJING, Disyembre 13, 2016,--Tungkol sa nominasyon ni Rex Tillerson bilang bagong Kalihim ng Estado ng Amerika, sinabi Martes ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasang mapapahigpit ng mga ministring panlabas ng Tsina at Amerika ang pagpapalitan sa isa't isa para gumanap ng konstruktibong papel sa patuloy at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Aniya, ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Amerika ay angkop sa interes ng dalawang bansa. Kahit sinong manunungkulan bilang Kalihim ng Estado, nakahanda ang Tsinan a magkasamang magsikap para mapasulong ang relasyon ng dalawang panig.
Salin:le