Idinaos kahapon, Huwebes, ika-15 ng Disyembre 2016, sa New York, ang bangkete bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng National Committee on United States- China Relations.
Magkahiwalay na binasa nina Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, at Carla Hills, Tagapangulo ng naturang komite, ang mga mensaheng pambati nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangulong Barack Obama ng Amerika.
Sinabi ni Xi, na ang paglahok at pagkatig mula sa iba't ibang sektor ng Tsina at Amerika ay mahalagang lakas na tagapagpasulong sa relasyon ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang ibayo pang magbibigay ng ambag ang naturang komite sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano, at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Obama, na sa mula't mula pa'y nagsisikap ang naturang komite para dagdagan ang pag-uunawaan at palawakin ang pagpapalitan ng Amerika at Tsina. Dapat aniyang ipagpatuloy ang pagsisikap na ito, para sa kapayapaan, kasaganaan, at pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai