BEIJING--Ipinahayag Martes, Disyembre 20,2016, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang matinding pagkondena sa pagpaslang sa embahador ng Rusya sa Turkey.
Sinabi ni Hua na matatag na tinututulan ng Tsina ang anumang teroristikong aktibidad sa anumang pangangatuwiran.
Binigyan-diin ni Hua na laging binibigyang pansin ng Tsina ang kalagayan ng Syria, dapat isagawa ng komunidad ng daigdig ang iba't ibang hakbangin para komprehensibo, makatuwiran at maayos na lutasin ang isyu ng Syria sa lalong madaling panahon.
Salin:Lele