|
||||||||
|
||
Kinumpirma nitong Miyerkules, Disyembre 21, 2016, ng Brunei Currency and Monetary Board (BCMB), na plano ng kanyang bansa na itatag ang Special Economic Zone (SEZ) upang hikayatin ang mas maraming pondong dayuhan.
Sinabi nito na sa kasalukuyan, nagkakaloob ang Brunei ng maraming preperensyal na kondisyon para sa direktang pamumuhunan ng mga foreign investors. Anito, kasalukuyang nagsisikap ang kanyang bansa para maitatag ang Muara Port sa isang malaking puwerto sa daigdig at maging itong bagong economic growth point ng bansa.
Dagdag pa nito, kinakailangan ng Brunei ang "komprehensibong pamumuhunan" mula sa Tsina. Napag-alamang pumasok na ang pamumuhunang Tsino sa maraming larangan ng Brunei na tulad ng imprastruktura, turismo, agrikultura, pangingisda, at iba pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |