Larawan ng isang Tu-154 plane na kinuha noong Jan 2, 2001
Kinumpirma ngayong araw, Linggo, ika-25 ng Disyembre 2016, ng Ministri ng Depensa ng Rusya, na bumagsak nang araw ring iyon sa Black Sea ang isang Tu-154 plane ng ministring ito, na may lulang 84 na pasahero at 8 crew member. Natuklasan ang mga piraso ng eroplanong ito sa karagatan, halos 1 milya ang layo mula sa baybayin.
Ayon naman sa ulat ng Russian media, batay sa inisyal na pag-aanalisa, ang posibleng sanhi ng naturang aksidente ay depektong teknikal, o maling operasyon ng piloto ng eroplano.
Salin: Liu Kai