Ipinahayag kahapon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang pakikiramay sa mga biktima ng pagbagsak ng eroplanong pampasahero ng Rusya sa peninsula ng Sinai. Binigyang-diin ni Putin na magsisikap ang Rusya para ipakita ang katotohanan ng pangyayari, at sa gayon, isasagawa nito ang katugong reaksyon para rito.
Ayon sa ulat, natuklasan na ang dalawang black box ng eroplano. Kasalukuyang isinasagawa ang katugong imbestigasyon ng mga dalubhasang mula sa Ehipto, Rusya, Alemanya, at kompanya ng Airbus.