Pinagtibay nitong Linggo, December 25, 2016 sa Beijing ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), Punong Lehislatura ng bansa ang Batas tungkol sa Traditional Chinese Medicine (TCM).
Bilang unang komprehensibo at sistematikong batas tungkol sa TCM, ang batas na ito ay naglalayong pangalagaan, katigan at paunlarin ang TCM. Ito ay isang milestone sa pag-unlad ng industriya ng TCM.
Pinalakas ng nasabing batas ang superbisyon sa TCM. Kinabibilangan ito ng pag-sasaistandardisa sa pagtatanim, panimitas at paglalagak, at paggawa ng medisinang Tsino, at pagsusuri sa sirkulasyon ng mga medisina. Hinihimok ng batas ang pagtatanim ng halamang gamit sa TCM at pinahihigpit ang parusa sa ilegal na aksyon tungkol sa TCM.
Salin: Andrea