Ayon sa ulat ng "Nanyang Siang Pau," Disyembre 27, 2016, ang Iskandar Development Region (IDR) ay naging rehiyong may pinakamabilis na pag-unlad sa Malaysia.
Itinatag ang IDR noong 2006, at 10 taong makalipas dahil sa magandang pag-unlad ng kabuhayan ng rehiyong ito, inaasahang magiging maunlad ang nasabing rehiyon.
Tinukoy kamakailan ni Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysia na ang IDR ay patuloy na umaakit ng mga mamumuhunan sa loob at labas ng bansa, at lumikha na ng 700 libong trabaho.
salin:Lele