Sabado, ika-17 ng Disyembre, 2016, ipinahayag ni Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysia, na ang pagpapatupad ng plano ng East Coast Rail Line (ECRL) ng Malaysia ay nakikinabang sa pagpapanatili ng Tsina at Malaysia ng matatag na pagtitiwalaan at relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon.
Winika ito ni Najib nang lumahok sa inagurasyon ng Pahang Huatuan.
Pagkaraan ng kanyang opisyal na pagdalaw sa Tsina noong ika-31 ng Oktubre, 2016, ipinasok ni Najib ang 144 bilyong Ringgit (o mahigit 35.3 bilyong dolyares) na pamumuhunang Tsino, kabilang dito ay plano ng East Coast Rail Line na may 55 bilyong Ringgit (o 13.48 bilyong dolyares) na pamumuhunan.
Salin: Vera