Ayon sa ulat ng "The Star", Disyembre 27,2016, mabilis na tumataas ang presyo ng gamot na Tsino, dahil sa epekto ng pandaigdig na kabuhayan at pagtaas ng pangangailangan sa buong daigdig. Sa Malaysia, ang tradisyonal na medisinang Tsino ay nagiging mahal sa Malaysia.
Sinabi ni Guo Yijie, Puno ng Samahan ng Tradisyonal na medisinang Tsino ng Malaysia na mas mahal ang mga gamot na inaangkat mula sa Tsina dahil sa pagbaba ng exchange rate ng Ringgit. Aniya pa, sapul nang ipataw ang consumption tax noong Abril ng 2015, tumaas ng 50% ang presyo ng ilang uri ng gamot na Tsino, at patuloy na tumataas pa nitong taong nakalipas.
salin:Lele