Sa diyalogo ng kooperasyon ng industriyang kemikal at industriya ng gamot ng Tsina at ASEAN, isinalaysay kahapon ni Xu Ningning, Executive Secretary General ng China-ASEAN Business Council (CABC), na noong unang hati ng taong 2015, lumampas na sa 3.7 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng gamot ng Tsina at ASEAN. Ito aniya ay lumaki ng 13.6% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Isinalaysay naman ni Witit Teeramungcalanon, Commercial Attaché ng Embahada ng Thailand sa Tsina, na may malaking pangangailangan ang pag-aangkat ng raw materials ng industriyang kemikal sa loob ng Thailand. Noong unang kuwarter ng taong ito, halos 3.36 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat ng industriyang kemikal ng Thailand. Kabilang dito, halos 2.07 bilyong dolyares ang pag-aangkat ng pundamental na produktong kemikal.
Salin: Vera