Nagsadya nitong Huwebes, Pebrero 18, 2016 ang mga doktor at nars ng Cambodia-China Friendship Referral Hospital na nakabase sa Phnom Penh, sa ikalimang Nayon ng Sensok District ng kabisera ng bansa, para bigyan ng libreng atensyong medikal ang mga mamamayang lokal.
Ito ay bahagi ng regular na libreng panggagamot ng nasabing ospital na nasa pinansyal na pagtataguyod ng China Foundation for Peace and Development. Ang aktibidad na ito ay nagsimula noong katapusan ng 2013. Dalawang beses bawat buwan, nagsasagawa ng libreng panggagamot sa mahihirap na mamamayang Kambodyano ang nasabing ospital.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio