Pinigil kahapon, Lunes, Enero 2 2017, ng kapulisan ng Indonesya, ang kapitan ng tourist ferry na nasunog kamakalawa sa karagatang malapit sa Jakarta. Sinabi ng mga media, na ang kapitan ay unang lumisan ng bapor, pagkaraang sumiklab ang sunog.
Kaugnay nito, ipinahayag ng Ministri ng Komunikasyon ng Indonesya, na kung totoo ang ulat, mahigpit na paparusahan ang naturang kapitan.
Ang naturang ferry ay naglayag mula Jakarta, tungo sa Tidung Island, isang lugar na panturista ng Indonesya. Sumiklab ang sunog sa bapor, hindi nagtagal pagkaalis nito ng puwerto. Nailigtas ang karamihan sa halos 250 pasahero sa bapor, pero nasawi ang 23 katao, at nasugatan ang 50 iba pa.
Salin: Liu Kai