Si Jose Santiago Sta. Romana, bagong Embahador na Pilipino sa Tsina
Ayon sa Agence France Press (AFP), ipinahayag nitong Lunes, Enero 2, 2016, ni Jose Santiago Sta. Romana, bagong Embahador na Pilipino sa Tsina, na nagpupunyagi ang kanyang bansa upang mailipat ang pokus ng estratehiya nito sa Tsina mula Amerika, tradisyonal na kaalyansa nito.
Ani Romana, ito ay sumasagisag ng pagbabago ng estratehiya ng patakarang panlabas ng Pilipinas. Aniya pa, hindi itatakwil ng Pilipinas ang relasyong pang-alyansa sa Amerika, at layon nitong pasulungin ang normalisasyon ng relasyong Pilipino-Sino.
Kaugnay ng magkasamang paggagalugad ng Tsina at Pilipinas sa likas na yaman sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea, ipinahayag ni Romana na bukas ang posisyon ng Pilipinas tungkol dito.
Salin: Li Feng