|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa ulat hinggil sa pananalita kamakailan ni Jose Santiago Sta. Romana, manunungkulang Embahador ng Pilipinas sa Tsina, nanawagan kahapon si Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga media na manatiling obdiyektibo sa mga ulat at huwag iligaw ang opinyong publiko. Aniya, sa kasalukuyan, bumubuti ang relasyon ng Tsina at Pilipinas sa iba't ibang larangan, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Pilipinas, para mapalalim ang kooperasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.
Nauna rito, sinabi ng ilang media na ipinahayag ni Sta. Romana na ang pagpapahintulot ng Tsina sa pagpasok ng mga mangingisdang Pilipino sa rehiyong pandagat ng Huangyan Island ay nagpapakitang sumusunod ang Tsina sa hatol ng South China Sea arbitrasyon. Pero, pagkaraan nito, tinukoy ni Sta. Romana na ang nasabing ulat ay pagpilipit sa kanyang pananalita.
Hinggil dito, sinabi ni Lu na ipinaliwanag na ni Sta. Romana ang katotohanan, dapat tumpak na iulat ng media ang paninindigan ng Pamahalaan ng Pilipinas, at huwag iligaw ang publiko.
Sinabi rin ni Lu na noong pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina, narating ng mga lider ng dalawang bansa ang mga komong palagay, halimbawa, isaisang-tabi ang mga hidwaan, at magkasamang pasulungin ang paglutas ng isyu ng South China Sea sa direktang diyalogo ng dalawang panig. Buong pagkakaisang ipinalalagay ng Tsina at Pilipinas na ito ay makakabuti hindi lamang sa mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi rin sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon. Aniya pa, sa kasalukuyan, bumubuti ang relasyong Sino-Pilipino, at nakahandang matamo ng dalawang bansa ang mas maraming bunga ng kooperasyon.
salin:lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |