Kuala Lumpur--Ipinaalam kahapon, Disyembre 2, 2016, ni Mah Siew Keong, Ministro ng Plantation Industries and Commodities ng Malaysia ,na ang Tsina ay naging pinakamalaking partner nito sa kalakalan ng palm.
Aniya, ang magandang relasyon ng Malaysia at Tsina ay nakakatulong sa pag-unlad ng kalakalan ng dalawang bansa, at nagpapasulong ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa Malaysia. Umaasa siyang lalahok ang mga Tsino sa plano ng pagpapaunlad at pamumuhunan sa downstream industry ng plantation products ng Malaysia.
salin:lele