Ipinadala Enero 2, 2017 ang mensahe ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina kay Pangulo Recep Tayyip Erdogan ng Turkey, bilang pakikiramay sa mga biktima at kanilang pamilya sa teroristikong atake na naganap kamakailan sa Istanbul, pinakamalaking lunsod ng bansang ito.
Binigyang-diin ng Pangulong Tsino na kinukondena ng Tsina ang naturang atake sa Turkey at tinututulan ang anumang teroristikong aktibidad. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Turkey at komunidad ng daigdig, para magkasamang harapin ang ibat-ibang bantang dulot ng terorismo.