Ipinahayag kahapon, Linggo, January 1st 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang buong lakas na pagkondena sa pamamaril na naganap nang araw ring iyon sa Istanbul, Turkey. Aniya, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang lahat ng mga porma ng terorismo.
Sinabi rin ni Hua, na nagpahayag na si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang Turkish counterpart ng pakikiramay kaugnay ng insidenteng ito. Dagdag niya, nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa Turkey at komunidad ng daigdig, para pangalagaan ang rehiyonal at pandaigdig na kapayapaan at katiwasayan.
Salin: Liu Kai